Hindi natitinag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsasagawa nito ng maritime patrols at iba pang security monitoring at checking sa mga external threats sa teritoryo ng Pilipinas.
Ito ang tiniyak ni AFP Chief-of-Staff Gen. Romeo Brawner Jr. kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang 1st Semester Command Conference ng Punong Ehekutibo sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Giit ni Brawner na mula Northern hanggang Western command ng AFP ay mahigpit ang pagbabantay sa mga namo-monitor na external threats partikular dito ang presensiya ng China sa West Philippine Sea.
Ibinida naman ni Brawner na nagpapatuloy ang Multilateral Maritime Cooperative Activity ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa at like-minded nations gayundin ang balikatan at ilan pang small-scale military drills at activities upang mas mapalakas ang depensa ng Pilipinas.