Kasado na ang lahat ng paghahanda ng Office of Civil Defense (OCD) katuwang ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at local government units para sa inaasahang epekto ng Super Typhoon Inday.
Sa panayam ng programang BOSES, sinabi ni OCD Spokesperson Junie Castillo na wala pa man sa loob ng bansa ang Super Bagyong Inday ay naikasa na ang mga paghahanda partikular ang mga Pre-Disaster Risk Assessment and Scenario building na mahalaga upang agad na matukoy ang mga lugar na pinakamatinding tatamaan ng bagyo, isama pa ang posibilidad ng baha, flashfloods at landslides.
Maigting na rin ang isinasagawang information dissemination ng OCD katuwang ang mga Disaster Risk Reduction and Management Offices.
Patuloy ding nakataas ang Blue Alert Status ng OCD na senyales ng heightened alert kaugnay ng epekto ng Super Typhoon Inday.