Nagdeklara ng Code White Alert ang Department of Health (DOH) bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Inday sa bansa.
Ibig sabihin simula ngayong araw ay nakaalerto na ang operations center, may sapat na tauhan upang agad makatugon sa mga maaapektuhang lugar.
Ayon sa DOH, patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC), mga lokal na pamahalaan, at regional disaster units upang mabilis ang pagtugon at paghahatid ng medical services sa mga lugar na apektado ng masamang panahon.
Inihanda na rin ng kagawaran ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng emergency medicines, medical supplies, hygiene kits, water purification, containers para sa malinis na tubig, at iba pang kagamitan.
Naka-standby na rin ang response teams sakaling kailanganin na i-deploy sa mga apektadong lugar.