Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Jose Melencio Nartatez, Jr. na naibalik na sa Sandiganbayan ang warrant of arrest sa kasong plunder ni Senador Rodante Marcoleta.
Sa ambush interview sa Camp Crame, sinabi ni Nartatez na hindi naiharap nang personal si Marcoleta sa Sandiganbayan dahil kasalukuyang nasa PNP General Hospital at “unstable” ang blood pressure.
Ayon kay Nartatez, naibalik ang kopya ng warrant of arrest sa Sandiganbayan noong Lunes ng hapon, July 6.
Sinabi ng PNP Chief, na sasailalim pa sa mga serye ng medical examination ang senador at hihintayin pa ang mga resulta nito.
Samantala, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Allen Rae Co na naisyu na rin ang commitment order ni Marcoleta at made-detine siya sa New Quezon City Jail sa Payatas.
Ayon kay Co, sa ngayon batay sa assessment ng mga doctor ay hindi pa “fit to travel” ang senador pero kung sakaling bumuti ang kondisyon nito ay agad siyang ililipat sa naturang kulungan.