Dapat tutukan ng publiko ang testimonya ni NBI Agent John Mark Calilung sa isasagawang cross examination ng Defense legal team ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang naging pahayag ni dating Congressman Robert Ace Barbers na tumatayo ngayong House Prosecution Panel Adviser at Manager sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service.
Ayon pa kay Barbers nakahanda ang House Prosecution panel para sa ikatlong araw ng impeachment trial kung saan magkakaroon ng pagkakataon na mag cross examination ang defense panel na magtanong kay NBI Agent Calilung hingil sa mga naging pahayag nito sa unang araw ng pagtestigo nito sa Senate Impeachment court.
Dagdag pa ng House Prosecution Panel Manager Adviser sa pamamagitan ng cross examination mapapatunayan na may credibilidad at katotohanan ang mga naging pahayag ng unang testigo ng prosecution panel.