Minarkahan ni House Private Prosecutor Atty. Lorna Kapunan bilang isang good performance ang naging pagsalang ng prosekusyon sa ikalawang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Kumpiyansa si Kapunan na sa mga susunod pang araw ng pagdinig ay lalo pang gaganda at titibay ang performance ng prosekusyon bunsod ng mabibigat na ebidensiya at testimonyang kanilang hawak.
Ani Kapunan, klarong-klarong naipresenta ang mga ebidensiya na maituturing na good shot sa isang paglilitis.
Sa kabila nito ay dapat pa rin umanong maging mapagmatyag ng prosekusyon at huwag basta magpaka-kampante.