RTVM screengrab
Humigit-kumulang 4.5 milyong mag-aaral sa buong bansa ang makikinabang sa pinalawak na School-
Based Feeding Program ng Department of Agriculture (DA).
Inilunsad ang programa sa Pulilan, Bulacan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama sina Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Education Secretary Sonny Angara.
Mahigit ₱3 bilyon ang inilaan ng pamahalaan para bumili ng gatas mula sa mga local dairy farmer, kooperatiba, at processors sa ilalim ng Sagip Saka Law.
Ayon kay Secretary Tiu Laurel, layunin ng programa na mapabuti ang nutrisyon ng mga bata habang nadaragdagan ang kita ng mga magsasaka at napapalakas ang lokal na industriya ng gatas.
Umaasa ang DA na makatutulong ang programa sa pagbuo ng mas malusog na kabataan at mas matatag na kabuhayan para sa mga dairy farmer sa bansa.