Patuloy na magsusumikap ang Department of Labor and Employment upang makapagbigay ng dekalidad na trabaho na may disenteng sahod, mataas na productivity at mas magandang oportunidad para sa mga manggagawa.
Ginawa ang pahayag matapos tumaas ang employment rate sa bansa.
Batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority nasa 49.63 million ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho nitong May.
Ito ay tumaas ng 740,000 na mga pilipino ng nagkaroon ng trabaho kumpara noong April.
Sabi ni Labor Secretary Francis Tolentino, patuloy nilang pinalalakas ang mga programa ng kagawaran para makalikha pa ng mga dagdag trabaho gaya ng job matching, skills training, at job fairs sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Paglilinaw naman ng Labor Department, nananatiling generally stable ang labor market sa kabila yan ng mga hamon sa ekonomiya. | ulat ni DK Zarate