Mas maraming bata ang mapaaabutan ng masustansyang pagkain sa ilalim ng feeding program ng pamahalaan.
Ito ang siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., lalo’t hindi na aniya pipiliin ang mga mag-aaral na pakakakinin sa bawat paaralan.
Kung dati kasi, pinipili lamang ang mga kailangan talagang masali sa feeding program o iyong mga undernourished na mag-aaral.
Layon ng panibagong hakbang na ito ng gobyerno na masiguro na lahat ng bata na pumapasok sa eskwelahan ay makakakain nang masustansyang pagkain, na makakatulong sakanilang focus at pag-aaral.
Ang programa, ayon sa pangulo, makakatulong rin sa local suppliers, lalo’t sa kanila kukuha ng mga supply na gagamitin para sa feeding program.
Sa ganitong paraan, makakatulong rin ang gobyerno sa mga tindahan o producers na madagdagan ang kanilang kita, habang nakapagbibigay ng tamang nutrisyon sa mga Pilipino. | ulat ni Racquel Bayan