Hinikayat ng Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang publiko na magparehistro sa PhilHealth YAKAP program para makagamit ng pangunahing serbisyong pangkalusugan.
Maaaring mag-enroll ang mga miyembro gamit ang kanilang registered PhilHealth number sa napiling accredited YAKAP clinic sa pamamagitan ng eGovPH app, PhilHealth Member Portal, PhilHealth office, o mismong YAKAP facility.
Sa ilalim ng programa, maaaring sumailalim ang benepisyaryo sa First Patient Encounter, konsultasyon, referral, pangunahing laboratory tests, cancer screening, at kinakailangang gamot.
Ayon sa DOH at PhilHealth, walang dapat bayaran ang naka-enroll sa pampublikong YAKAP clinic para sa mga saklaw na serbisyo.
Sa pribadong YAKAP clinic naman, hanggang ₱900 kada taon lamang ang maaaring singilin para sa konsultasyon at iba pang serbisyong saklaw ng programa.
Layunin ng PhilHealth YAKAP na mapalakas ang preventive healthcare at mailapit sa publiko ang mas maagang pagpapatingin at gamutan.