Photo Courtesy: DOST-PAGASA
Patuloy na kumikilos pakanluran ang Super Typhoon Inday habang nananatili ang lakas nito sa silangang bahagi ng Hilagang Luzon.
Alas-4:00 ng hapon, namataan ang mata ng bagyo sa layong 1,170 kilometro sa silangan ng Northern Luzon. Taglay nito anglakas ng hanging umaabot sa 195 kilometro kada oras, na may pagbugsong hanggang240 kilometro kada oras.
Nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Hilagang Luzon, kabilang ang Batanes, Cagayan, Isabela, Ilocos Norte, Apayao, at iba pang kalapit na lalawigan. Posible ang minimal hanggang bahagyang pinsala dulot ng malalakas na hangin.
Nagbabala rin ang PAGASA sa malalakas na pag-ulan, pabugsu-bugsong hangin, at mapanganib na kalagayan ng karagatansa mga apektadong lugar. Pinapayuhan ang maliliit na sasakyang pandagat na huwag pumalaot.
Ayon sa PAGASA, pinakamalapit ang Super Typhoon Inday sa Extreme Northern Luzon sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga bago tuluyang kumilos patungo sa timog ng Japan at hilaga ng Taiwan. Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado.