Photo courtesy of DHSUD
Mahigit 7,000 socialized housing units ang malapit nang maipagkaloob sa mga benepisyaryo sa Tarlac City sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng Marcos Jr. administration.
Personal na sinuri nina DHSUD Sec. Jose Ramon Aliling at Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta ang mga model unit at ang patuloy na development ng Kaia Homes sa Barangay Armenia, Tarlac City.
Ang proyekto ay isang 49-ektaryang subdivision development na may libu-libong socialized housing units para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Ayon sa DHSUD, bahagi ang proyekto ng pagpapalawak ng Expanded 4PH Program na layong mapabilis ang pagbibigay ng abot-kayang pabahay sa mas maraming pamilyang Pilipino.