Nananatiling kaduda-duda ang ipinapakitang sinseridad ng China pagdating sa pagtutulak nito ngayon ng usapin at kasunduan sa isang common fishing ground.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela hayagan naman nang ginagawa ng China ang harassment hindi lang sa mga Pilipinong mangingisda kundi maging sa PCG at iba pang miyembro ng otoridad na nagbabantay sa teritoryo ng bansa.
Kaya naman, mas magiging makatotohanan ang ipinahahayag nilang sinseridad kung ang China na mismo ang titigil sa pangha-harass at paggawa ng agresibong aksiyon sa mga Pilipinong mangingisda.