Inihayag ni Palace Press Officer, Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na iaplay ang whole of government approach ngayong may kalamidad, at nakatutok din ito sa lagay ng panahon.
Ayon kay Castro, nakabantay din ang Pangulo sa ano mang magiging development ng super typhoon sa susunod na mga araw matapos na makapasok na ito sa Philippine Area of Responsibility.
Kaugnay nito ani Castro ay patuloy aniya ang Pangulo sa pagpapaalala sa taumbayan na maging alerto at palagi ring magbantay sa takbo ng panahon.
Sa ngayon sabi ni Castro ay patuloy ang pagkilos ng concerned government agencies na ang layunin ay maibigay ang kailangang tulong sa mga kababayan nating maaaring maapektuhan ng super typhoon.
Kabilang dito ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Health (DOH), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na una nang nakapag-preposition ng mahigit 4.7 million food packs sa buong bansa.