Nanindigan si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na walang karapatan ang China na diktahan ang Pilipinas para sa isang kasunduan kaugnay ng common fishing ground sa Scarborough Shoal.
Ani Carpio, matagal naman nang napagdesisyunan sa 2016 Arbitral ruling na isa na talagang common fishing ground ang Scarborough Shoal kaya hindi na kailangan pa ang bagong kasunduan para ideklara itong fishing ground.
Hindi rin maintindihan ni Carpio ang galaw na ito ng China dahil bago pa man ang kanilang pahayag kaugnay ng common fishing ground ay sila mismo ang nagbabakod at umaangkin sa Scarborough Shoal.
Ang pinakamagandang mailatag ngayon ay ang pagkakaroon ng mga alituntunin sa sustainable fishing upang hindi naman masaid at tuluyang maubusan ng marine resources ang Scarborough Shoal.