Dumating na si Senador Robin Padilla sa PNP General Hospital sa Camp Crame para bumisita kay Senador Rodante Marcoleta.
Nauna nang kinumpirma ni Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) Chief Col. John Guiagui na humiling si Padilla na makabisita kay Sen. Rodante Marcoleta na kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG.
Sa panayam ng media, sinabi ni Guiagui na nakatanggap sila ng kahilingan mula sa senador.
Ipinaliwanag din niya na ang lahat ng kahilingan para makadalaw kay Marcoleta ay kailangang dumaan sa pag-apruba ng CIDG director dahil nasa ilalim siya ng kanilang security watch.
Sa ngayon, nananatiling naka-confine sa PNP General Hospital si Marcoleta habang hinihintay ang medical clearance bago siya mailipat sa detention facility dahil sa kasong plunder.