Prosekusyon kumpiyansa sa mga susunod na kaganapan sa impeachment trial laban kay VP Sara
Kumpiyansa ang House Impeachment Prosecutors at Spokespersons sa mga susunod na kaganapan ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang press conference sa House Media, pinasalamatan ni Rep. Ysabel Maria Zamora ang publiko sa pagsubaybay sa unang linggo ng paglilitis kung saan nakita umano kung paano gumalaw ang magkabilang panig sa loob ng Impeachment Court.
Binigyang-diin niya na umpisa pa lang po ito at hindi tapos ang pagprisinta ng mga witness patungkol sa Article IV o ‘yung grave threats article.
Nakatakdang iharap ng prosekusyon sa Lunes ang isa pang opisyal ng NBI na si Atty. Jeremy Lotoc.