Siniguro ng Malacañang na makukuha ng qualified government employees ang kanilang Performance Based Bonus (PBB) kasunod ng ginawang pag-aapruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa fiscal year 2024 PBB.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na sa loob ng taon ay tiyak na maibibigay ito sa government workers.
Ibig sabihin, maaaring mas mapaaga para sa ibang ahensiya ang pagbibigay ng Performance Based Bonus sa kanilang mga kawani.
Ito ani Castro ay ipo-proseso pa na kung saan, ang budget ay nakapaloob sa General Appropriations Act ngayong 2026.
Para makatanggap ang mga kawani ng pamahalaan ng PBB, dapat ay makakuha ang kanilang ahensiyang kinabibilangan ng hindi bababa sa 70 percent sa performance assessment.