Habang pinaghahandaan ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng epekto ng Super Typhoon Inday sa sektor ng agrikultura, sinabi rin ng ahensya na maaaring maging kapaki-pakinabang sa ilang sakahan ang pag-ulang dala ng bagyo at pinalakas na habagat.
Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, makatutulong ang inaasahang pag-ulan sa mga palayan na nasa early vegetative at maturing stage.
Dagdag pa niya, kung aabot ang ulan sa mga watershed area, maaari rin nitong mapataas ang lebel ng tubig sa mga pangunahing dam tulad ng Angat at Magat, na mahalaga para sa irigasyon.
Gayunman, sinabi ng DA na patuloy nitong binabantayan ang sitwasyon at pinapayuhan na rin ang mga magsasaka sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo na anihin na ang mga pananim na maaari nang i-harvest. “Kung mayroon mga harvestable na mga commodity like palay o mais bago dumating ang bagyo, inaabisuhan sila na mag-harvest na pero kakaunti pa lang iyan.”