Kinansela muna ng Air Asia Philippines ang flight Z2 124 Manila to Taipei bukas, 7:45 ng umaga at Z2 125 Taipei to Manila bukas rin 10:40 naman ng umaga sana ang dating ng eroplano.
Sa abiso ng airline ito ay dahil sa sama ng panahong dulot ng Bagyong Inday na may International name na Bavi.
Bukas kasi inaasahan na mararanasan na rin ang hagupit nito sa Taipei.
Para naman sa mga pasaherong apektado ng kanselasyon ng flight, maaaring magkaron ng one-time free of charge ng paglipat ng flight schedule na pasok sa 30 days maaari din namang ipasok bilang credit sa airasia account na balido ng 730 days o kaya ay magkaroon ng full refund na ibabalik naman sa original mode of payment.
Mag-abang lang ng email mula AirAsia para sa proseso. Sinisiguro naman ng AirAsia na nakamonitor sila sa lagay ng panahon at titiyaking ligtas ang kanilang nga pasahero. | ulat ni Louisa Erispe