Agad na nagsagawa ng declogging operations ang lokal na pamahalaan ng Pasay City upang paghandaan ang posibleng malakas na buhos ng ulan na dala ng Habagat at Bagyong Inday.
Sinuyod ng Engineering Department ng lungsod ang mga kalsada upang magtanggal ng mga bara sa drainage at matiyak na hindi maiipon ang tubig at mabilis na magbaha sa mga kalsada sakaling umulan.
Kahit ang malalaking billboard ay tiniklop na rin ng LGU upang maiwasan ang aksidente sakaling lumakas ang hangin.
Pinutol na rin ang ilang sanga ng mga puno na posibleng makasagabal sa daan, lalo na sa mga pangunahing kalsada sa lungsod.
Tiniyak naman ni Pasay City Mayor Emi Calixto na nakahanda ang mga ambulansya, fiber boat, at rubber boat sakaling kailanganin sa agarang emergency response.