Inilabas na ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church ang opisyal na logo para sa pagdiriwang ng Nazareno 2027
Sentro ng logo ang Mahal na Poong Jesus Nazareno, kasama si San Juan Bautista, ang simbahan at lubid na sumisimbolo sa pananampalataya, debosyon at misyon ng mga mananampalataya.
Tampok din ang temang Tuwirin Ninyo ang Daraanan ng Panginoon, mula sa Juan kabanata isa, talata 23.
Ayon sa Quiapo Church, ang logo ay paanyaya sa bawat deboto na ituwid ang landas ng kanilang buhay sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa, paggawa ng mabuti at patuloy na pagsunod kay Kristo. | ulat ni Lorenz Tanjoco