Humarap sa pagdinig ng Senado ang Presidente ng Ateneo de Manila university (ADMU) na si Rev. Fr. Roberto ‘Bobby’ Yap kaugnay ng pagkasawi ng dalawang student athlete nilang sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Naging emosyonal si Fr. Bobby sa kanyang naging pahayag kung saan muli siyang humingi ng paumanhin sa pamilya nina Baterbonia at Adili.
Aniya, anupaman ang kanilang sabihin at ibigay na tulong sa pamilya ng dalwang nasawing atleta at walang kapalit ang mawalan ng isang anak.
Sinabi ni Yap na simula nang mangyari ang pagkalunod ng dalawa noong June 8 hanggang ngayon ay patuloy aniyan tumutulong at nakikipag-ugnayan ang Ateneo sa pamilya nina Baterbonia at Adili.
Naging emosyonal ito sa pagpapahayag ng pag-aalala sa pinagdadaanan ng mga kasamahan ng dalawang batang atleta, na hindi alng nagluliksa sa pagkawala ng kanilang teammates, kundi humaharap rin sa matinding online bullying at harassment.
Kaya patuloy aniya ang pastoral at psychosocial support sa kanila. | ulat ni Nimfa Asuncion