Singil sa kuryente ng Meralco, tataas ng Php0.34 kada kilowatt hour ngayong buwan
Inanunsiyo ng Manila Electric Company (MERLACO) na tataas ang kanilang singil sa kuryente ngayong buwan.
Batay sa abiso ng Meralco, ₱0.34 kada kilowatthour ang kanilang idaragdag sa buwanang billing simula ngayong Hulyo.
Itinuturong dahilan ng taas singil ay ang pagpapataw ng mataas na Generation Charge gayundin ang tuluyang pagsasara ng Malampaya.
Bukod pa ito sa pagpapataw din ng buwis sa kuryente at mataas na singil sa transmission.
Dahil dito, asahan na ang dagdag na ₱69 para sa mga kumokonsumo ng 200 kwh.