Photo courtesy of Provincial Government of Batanes Facebook page
Mariing pinanindigan ni Batanes Governor Ronald “Jun” P. Aguto Jr. ang soberanya at territorial integrity ng Pilipinas sa buong lalawigan ng Batanes kasunod ng mga lumabas na pahayag kamakailan na kumukwestiyon sa hurisdiksyon ng bansa sa Batanes.
Sa isang opisyal na pahayag na inilabas ngayong araw, July 10, 2026, binigyang-diin ng gobernador na malinaw at hindi kailan man nagkaroon ng duda na ang Batanes ay isang permanenteng bahagi ng Republika ng Pilipinas.
Ipinaalala rin ni Gov. Aguto, na kamakailan lang ipinagdiwang ng lalawigan ang ika-243 taong Founding Anniversary nito, na nagpapatunay sa higit dalawang siglong maayos na pamamahala sa ilalim ng gobyerno ng Pilipinas.
Muling tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes ang buong katapatan nito sa pambansang interes ng Pilipinas.
Dagdag ni Gov. Aguto, nananatili ang mga mamamayang Ivatan na tapat at ipinagmamalaki ang pagka-Pilipino. Binigyang-diin nito na kaisa ng pamahalaang panlalawigan ng Batanes ang buong nasyon sa pagtatanggol sa iisang kasaysayan, pagkakakilanlan, at kinabukasan.
Provincial Government of Batanes