Pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) Decade sa Pilipinas hanggang 2030.
Sumasalamin ito sa commitment ng pamahalaan na maisakatuparan ang universal at napapanahong civil registration, mapatatag ang identity systems, at pagpapaigting ng statics ng Pilipinas.
Sa ilalim ng Proclamation No. 1339, pinalawig ng Pangulo ang implementation ng CRVS Decade, na orihinal na naka-schedule na magtapos sa 2024.
Alinsunod na rin ito sa commitment ng Pilipinas sa regional framework ng United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (UNESCAP), maging sa 2030 Agenda for Sustainable Development.
Sa proklamasyong ito na nalagdaan nitong ikaanim ng Hulyo, 2026, itinalaga ang Philippine Statistics Authority (PSA) bilang lead agency na responsible para sa coordinating, overseeing, at monitoring ng implemensyon ng mga programa at inisyatibo sa ilalim ng extended CRVS Decade.
“The extension follows the agreement reached during the Third Ministerial Conference on Civil Registration and Vital Statistics in Asia and the Pacific, where participating states decided to continue the regional CRVS Decade until 2030 to align with the Sustainable Development Goals.” — PCO.
Sa ilalim ng proklamasyon, lahat ng tanggapan ng pamahalaan, kabilang ang government-owned or -controlled corporations (GOCCs), ay inaatasang magpaabot ng kinakailangang suporta at assistance sa PSA.
Ang mga local government units, non-government organizations, at private sector, hinihikayat din na aktibong makibahagi sa implementasyon ng programa at inisyatibo sa ilalim ng CRVS Decade.