Pinalalakas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsasanay at mga programa na magpapataas sa kakayahan ng mga Pilipinong manggagawa, kasabay ng paghahanap ng paraan upang mapaigting rin ang sweldo ng mga ito.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, target ng pamahalaan ang paglikha pa ng high-quality jobs at provision para sa mas mataas na kompensasyon sa Filipino workers.
“Sa utos ng Pangulo ay isinusulong ni Labor and Employment Secretary Francis Tolentino ang paggawa ng mga hakbang para sa upskilling at pagpapataas ng sweldo ng mga Pilipino.” —Castro
Kabilang aniya sa workforce programs ng ahensya ang pagpapalawak ng nationwide Trabaho Agad job fairs, na naglalayong maghatid ng libo-libong job opportunities sa mga naghahanap ng trabaho sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.
Tampok sa programang ito ang one-stop-shop documentary processing para sa clearances mula sa National Bureau of Investigation (NBI), Social Security System (SSS), PhilHealth, at Pag-IBIG Fund.
Iba pang programa ng DOLE ay ang Labor Education for Graduating Students program, na layon namang ihanda ang mga mag-aaral bago sila maging bahagi ng national workforce.
“Ayon sa ahensiya, napapanahon nang paunlarin ang labor force ng bansa at mag-invest sa employable skills para gawing future-ready ang Filipino workers. Dahil sa Bagong Pilipinas, katuwang ng pamahalaan ang lahat ng mga dakilang manggagawa.” —Castro