Malugod na ibinalita ni Taguig Mayor Lani Cayetano na wala silang naitalang anomang insidente ng pagbaha sa lungsod ng Taguig.
Ito’y sa kasagsagan ng Bagyong Inday at epekto ng Habagat sa iba’t ibang parte ng bansa kasama na ang Metro Manila.
Ayon kay Mayor Cayetano, malaking dahilan ng hindi pagkakaroon ng baha sa lungsod ay ang kanilang year-round na cleaning at clearing operations sa mga pangunahing daluyan ng tubig sa lungsod.
Malaki rin ang naging ambag ng mga komunidad na nakiis sa kontra-baha initiatives ng lokal na pamahalaan bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng Oplan Kontra Baha.