Puspusan ana ang paghahanda ng mga bansang Taiwan, China, at Japan sa pananalasa ng Typhoon Inday na may international name na Bavi na inaasahang magdadala ng matinding mga pag-ulan at malalakas na hangin sa rehiyon.
Ayon sa Taiwan weather authorities, posibleng magbuhos ang bagyo ng hanggang isang metrong ulan sa ilang lugar.
Higit 29,000 na sundalo na rin ang nakaantabay upang tumulong sa mga posibleng rescue at relief operations bunsod ng epekto ng bagyo.
Sa China, nagbabala rin ang mga awtoridad na maaaring magkaroon ng malaking epekto ang Tyhpoon Bavi kapag tumama ito sa lalawigan ng Fujian.
Kumikilos at naghahanda na rin ang mga residente sa katimugang Japan, kabilang ang Sakishima Islands na posibleng hagupitin ng bagyong Bavi.
Ilang airlines na in ang nagkansela ng mga biyahe nila dahil sa masamang panahon. Kabilang nga rito ang Japan Airlines, All Nippon Airways, Thai Airways at Malaysia Airlines na labis namang naka-apekto sa libo-libong pasahero.