Mas lumawak ang kaalaman ng publiko hinggil sa isyu ng pang-aangkin ng China sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS), ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David.
Ayon kay David, nasa 5-10% lamang ang kamalayan ng mga Pilipino sa tensyon sa WPS noong 2021, kung kailan sila nagsimulang magkasa ng mga survey.
Pero malayo na aniya ang bilang na ito sa 70-80% na ‘awareness’ ng publiko, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Nangangahulugan na epektibo ang mga isinasagawang kampanya ng pamahalaan upang mapataas ang kamalayan ng mga Pilipino sa West Philippine Sea.
Maka-ilang ulit ng sinabi ng Pangulo na hindi ibibigay ng pamahalaan ang kahit isang pulgadang teritoryo ng bansa sa mga dayuhan. Magandang senyales din ito ayon kay David na mas nabubuksan na ang kamalayan ng mga Pilipino upang ipagtanggol ang Karapatan ng bansa sa mga nasasakupan nito.