Isa na ang kumpirmadong nasawi sa nangyaring flash flood sa bayan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental matapos ang malakas na pag-ulan noong Biyernes ng gabi, Hulyo 10, 2026.
Ito ang kinumpirma mismo ni Jose Abad Santos Mayor Jason John Joyce sa kanyang Facebook post ngayong araw, Hulyo 12, 2026.
Ayon kay Joyce, patuloy pang kinikilala ang nasabing biktima, na isa sa mga naitalang nawawala nang rumagasa ang baha sa Barangay Tanuman.
Una nang nanawagan ang alkalde sa mga residenteng nakatira malapit sa baybayin na agad ipaalam sa mga awtoridad kung may mga katawan man itong makikita upang agad itong maaksyunan.
Ang Jose Abad Santos ay isa sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng Magnitude 7.8 na lindol, kung saan mayroon pa ring mga residenteng nananatili sa mga evacuation center.