Photo courtesy of Quezon City Epidemiology & Surveillance Division FB
Umabot na sa 3,013 ang naitalang dengue cases sa Quezon City mula Enero 1 hanggang Hulyo 9, 2026.
Batay sa ulat ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, pinakamaraming naapektuhan ng sakit ang mga batang 10 taong gulang pababa, na may 1,355 kaso.
Pinakamataas ang naitalang bilang ng kaso sa District 2, na umabot sa 1,077.
Nasa 15 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa dengue sa lungsod ngayong taon.
Samantala, umabot naman sa 91 ang naitalang kaso ng leptospirosis sa lungsod sa kaparehong panahon.
Labindalawa ang naitalang nasawi, habang karamihan sa mga kaso ay nasa edad 21 pataas at mga kalalakihan.