Puspusan ang DPWH sa pagsasaayos ng Maysan Road sa Valenzuela.
Noong Agosto ay lubak-lubak ang nasabing kalsada kung saan hirap ang mga motorista sa pagdaan
Pero ngayon matapos itong tutukan ng DPWH, malaking porsyento ng kalsada ay sementado, pantay at maayos nang nadaraanan ng mga motorista
Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, sa loob lang ng dalawang buwan, nasa 35% na ang progress rate ng pagsasaayos ng kalsada.
Sa pagbisita ni Dizon sa lugar napansin niya na maliit ang drainage at inlet.
Dahil dito ipinag-utos niya na palaparin ito upang maiwasan ang pag-ipon ng tubig sa kalsada at maibsan ang matinding baha sa lugar.
Sinabi din ng kalihim na pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rehabilitasyon ng Maysan Road sa Valenzuela City para matapos bago mag-Pasko.