Photo Courtesy of Philippine Red Cross
Nagdeploy ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga response team kasunod ng naitalang aktibidad sa Bulkang Mayon.
Ito ay nagresulta sa ashfall na nakaapekto sa mga bayan ng Malilipot, Bacacay, at Santo Domingo sa Albay.
Bilang bahagi ng pagtugon, namahagi ang PRC ng 1,200 face masks sa mga residenteng nasa mga lugar na mataas ang exposure sa volcanic ash.
Kabilang sa mga nabigyan ang residente sa Barangay 1, Barangay 2, Barangay 13, Barangay 14, at Barangay Igang sa bayan ng Bacacay.
Ayon sa PRC, layunin ng distribusyon na maprotektahan ang mga residente laban sa respiratory hazard na mapanganib sa kalusugan.
Nananatili namang nakaalerto ang mga response team ng PRC at patuloy na mino-monitor ang aktibidad ng Bulkang Mayon habang tiniyak ang kahandaang magbigay ng karagdagang tulong kung kinakailangan.