Umaasa ang defense Team ni Vice President Sara Duterte na magiging mabilis ang paglilitis ngayong ikaapat na araw ng impeachment trial.
Ayon sa tagapagsalita ng defense team na si Atty. Michael Poa, inaasahan nila na matatapos ang presentasyon sa witness ng prosekusyon na si NBI Agent Jeremy Lotoc at makakapag-cross examine din ang depensa ngayong araw.
Nais nila ang maayos at tuloy-tuloy na takbo ng paglilitis.
Tumanggi naman si Poa na sagutin sino ang haharap na abogado para sa paglilitis at sino ang magko-cross examine kay Lotoc, pero nakahanda sila sa trial ngayong araw.