Kinumpirma ni Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng defense team, na naisumite na nila sa impeachment court ang kanilang komento hinggil sa hiling ng prosekusyon na ma-subpoena ang bank records ng Bise Presidente.
Kasama rin umano dito ang BIR records at AMLC records at iba pang laman ng umanoy “BIR Box.”
Sa panayam kay Poa, aniya, isinumite nila ito bago ang inaasahang oral arguments ng impeachmpent court hinggil dito bukas, July 14, 2026.
Ipina-receive din naman umano ng defense team ang kopya ng kanilang komento sa prosecution panel bilang kortesiya. Giit ni Poa “fairplay” na magkaroon din ng kopya ang prosekusyon sa kanilang komento.