Pormal nang ipinagkaloob sa mga benepisyaryo sa Tarlac ang mga housing unit sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Pinangunahan nina DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling at PAG-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta ang simbolikong pamamahagi ng mga susi sa mga benepisyaryo sa Brentwood Residences sa bayan ng Capas.
Ayon sa developer na Apec Homes, aabot sa humigit-kumulang 9,000 socialized housing unit ang itatayo sa naturang proyekto.
Sinuri rin ng mga opisyal ang model unit at mga ready-for-occupancy na bahay bilang bahagi ng pagpapatupad ng programa.
Kasama ni Secretary Aliling si Senior Undersecretary Eduardo Robles Jr. sa inspeksyon at turnover ng proyekto.