Halos ₱190 milyong pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa pagpapatayo ng dalawang modernong municipal fish port sa Malalag at Sta. Cruz, Davao del Sur.
Pinangunahan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) ang pag-inspeksiyon sa mga proyekto bilang bahagi ng modernisasyon ng sektor ng pangingisda.
Layunin ng mga pasilidad na mabawasan ang post-harvest losses, mapabilis ang pagdadala ng isda sa mga pamilihan, at mapatatag ang seguridad sa pagkain.
Kasalukuyan nang itinatayo ang ikalawang yugto ng Malalag Fish Port, habang inaasahang makumpleto naman ang Sta. Cruz Fish Port sa unang bahagi ng 2027.
Kapwa magkakaroon ang mga pasilidad ng trading at market hall, bodega, mga gusaling pang-
administratibo, at iba pang imprastrakturang magpapabuti sa paghawak at pagbebenta ng huling isda.
Ayon sa DA at PFDA, inaasahang lilikha ang mga proyekto ng mas maraming trabaho, maghihikayat ng pamumuhunan, at magpapalakas sa kabuhayan ng mga mangingisda at suplay ng pagkain sa bansa.