Nananatiling nakaalerto ang Philippine Coast Guard kasunod ng pahayag ng ilang Chinese scholar na bahagi ng China ang Batanes.
Sa ngayon, nilinaw na umano ang usapin at bahagi lamang umano ng academic discussion ng mga scholar ang mga pahayag at hindi opisyal na pahayag ng China.
Ayon kay PCG Rear Admiral Jay Tarriela, wala pa siyang natatanggap na impormasyon na tuluyan nang binawi ang sinabi ng ilang Chinese scholar.
Dapat aniyang maglabas ng paglilinaw ang Chinese ambassador at dapat ding kondenahin ito.
Lumang tugtugin na aniya ang pag-angkin ng mga Chinese scholar sa teritoryo.
Ayon kay Tarriela, sa mga nagdaang karanasan, unang naglalabas ng pag-angkin sa teritoryo ang mga Chinese scholar, pinipick up ito ng media, at saka gumagawa ng polisiya ang China.