Balik na sa normal ang biyahe at operasyon ng mga pampasaherong barko at pangisda sa bansa.
Ito’y matapos gumanda ang lagay ng panahon at kondisyon ng dagat matapos tuluyang makalayo ang Bagyong Inday
Sa ulat ng Philippine Coast Guard Command Center, as of 8am, wala nang stranded na pasahero, rolling cargoes, barko, at motorbanca sa anumang pantalan sa buong bansa.
Bukod dito, wala na ring naka-shelter na anumang sasakyang pandagat sa anumang pantalan.
Sa datos ng PCG, umabot ng hanggang 1,000 pasahero, 300 rolling cargoes, at higit 100 barko ang pinakamaraming naitalang stranded ng PCG dahil sa Bagyong Inday at habagat.