Binigyang katwiran ng Malacañang ang muling pagbibigay ng posisyon kay dating Budget Secretary Amenah Pangandaman.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, wala silang nakikitang masama sa reappointment ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Pangandaman lalo na kung sa tingin niya ay makapagtatrabaho naman ang dating kalihim ng maayos sa posisyon.
Naging bukas ani Castro ang administrasyon sa pag-iimbestiga sa mga nadawit na pangalan sa flood control scandal na kahit pa kamag-anak o kaalyado ng Pangulo, at maging Cabinet secretaries o sino mang nasa ilalim ng Ehekutibo ay siniyasat.
Wala aniyang ano mang demandang nakasampa laban kay Pangandaman kaya walang dahilan sabi ni Castro para akusahan ang administrasyon ng selective justice, dahil sa muling pagtatalaga sa isang dating opisyal na nadadawit sa isang kontrobersiya.
Si Pangandaman ay itinalaga bilang Chief Executive Officer (CEO) ng natatanging Islamic bank sa Pilipinas na Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines, na isang Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC).