Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)
May higit 4,000 pamilya pa ang nananatili sa evacuation centers kasunod ng epekto ng bagyong Inday at ng Habagat.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), katumbas ito ng halos 18,000 indibidwal na pansamantalang nanunuluyan sa 134 evacuation centers.
Bukod pa ito sa higit 9,000 pamilyang nakikitira muna sa kanilang mga kaanak.
As of July 13, umakyat na sa higit 150,903 pamilya ang naapektuhan ng mga pag-ulan.
Tuloy-tuloy naman ang pagpapaabot ng tulong ng DSWD sa mga naapektuhan ng kalamidad na aabot na sa P45.8-Milyon ang halaga.
Kabilang dito ang family food packs na ipinamamahagi sa mga nasalanta lalo na sa mga inilikas na pamilya.