Voluntary at walang sinumang kumausap kay outgoing DOH Secretary Ted Herbosa kaugnay ng kanyang naging pagbibitiw bilang miyembro ng Gabinete.
Ito ang binigyang-diin ni Cabinet Secretary Benhur Abalos kasunod ng opisyal na anunsiyo ng Palasyo hinggil sa pagbibitiw ni Herbosa.
Sa ambush interview sa Malacañang, sinabi ni Abalos na kaibigan niya si Herbosa at dinalaw niya ito matapos sumailalim sa operasyon sa tuhod.
Pormal na inanunsiyo kanina sa Palace press briefing ang pagbibitiw ni Herbosa kung saan, ang dahilang binanggit ay may kaugnayan sa kanyang kalusugan.
Papalit kay Herbosa si Dr. Jose Britannio Pujalte Jr., Chief ng Philippine Orthopedic Center.