Nakalatag na ang comprehensive security plan ng Philippine National Police (PNP) para sa gaganapin State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief PCOL Allen Rae Co, sinabi niya na tuloy-tuloy rin ang kanilang monitoring sa mga posibleng banta sa seguridad.
Ayon kay Co, wala pa silang namo-monitor na anumang banta sa ngayon.
Samantala, ilang militanteng grupo ang nagpahayag na magsasagawa ng kanilang mga pagtitipon kasabay ng SONA ng Pangulo.
Sa kabila nito, tiniyak ng PNP na magpapatuloy ang pagbabantay upang mapanatili ang kaayusan, seguridad, at kaligtasan ng publiko sa araw ng SONA.