Inaasahang mas magiging mainit ang ikalawang linggo ng Senate impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Nakatakdang sumalang sa witness stand ngayong Lunes si National Bureau of Investigation (NBI) BARMM Regional Director Jeremy Lotok at sa Martes si Atty. Zuleika Lopez, ang Chief-of-Staff ng Office of the Vice President (OVP).
Una nang hiningi ng prosecution panel sa Senate impeachment court, na i-subpoena si Lopez upang patatagin ang ebidensya sa Article IV ng articles of impeachment, ang grave threats.
Inihayag ni House Trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng prosekusyon, ilalahad ngayong Lunes ni Atty. Jeremy Lotoc—na kasalukuyang NBI Regional Director para sa BARMM—ang naging aktwal na natuklasan ng ahensya ukol sa mga umano’y banta sa buhay ng pangulo.
Samantala, ayon naman kay San Juan City Lone District Rep. Ysabel Maria Zamora, handa ang prosecution panel na magharap ng hindi bababa sa dalawang saksi sa loob ng isang araw ng pagdinig.
Layunin nitong pabilisin ang proseso matapos tantsahin ni Senate President Sherwin Gatchalian na maaaring tumagal ng pito hanggang walong buwan ang buong paglilitis.