Dry spell posibleng maranasan matapos ang enhanced habagat
Patuloy ang pag-init ng temperatura sa mga karagatan sa bansa kaya nagkakaroon ng enhanced habagat.
Sa programang Boses, sinabi ni DOST-PAGASA Climatology and Agrometeorology Division Chief Ana Liza Solis na hindi direktang nakaapekto ang Bagyong Inday ngunit pinalakas naman ang habagat na kaugnay ng epekto ng El Niño.
Samantala, posibleng sa katapusan ng Disyembre ay maranasan na ang dry spell sa ilang lugar pagkatapos ng habagat.