Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang mga naging tagumpay nito para supilin ang iligal na pangingisda sa mga baybayin ng bansa na nakasisira sa kalikasan at kabuhayan ng mga Pilipino.
Batay sa ulat ng Police Regional Office 6 sa Kampo Crame, hindi bababa sa 98 ang kanilang mga naaresto habang mahigit sa 10 milyong pisong halaga ng mga kagamitan sa iligal na pangingisda ang nasamam sa unang 10 araw ng Hulyo.
Ayon kay Police Regional Office 6 Director, PBGen. Randulf Tuaño, nakipag-ugnayan sila sa mga kinauukulang ahensya upang ikasa ang mga operasyon sa iba’t ibang lugar ng kanilang nasasakupan.
Giit ni Tuaño, ang laban kontra iligal na pangingisda ay hindi lamang pagpapatupad ng batas kungdi pangangalaga sa karagatan at pagtatanggol sa kabuhayan ng mga mangingisda.
Patuloy nitong hinikayat ang mga komunidad na makipagtulungan sa Pulisya upang maging matagumpay ang kanilang programa.

