Photo courtesy of Philippine Coast Guard (PCG)
Binisita ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil L. Gavan ang delegasyon ng bansa sa Rim of the Pacific Exercise 2026 (RIMPAC) sa Honolulu, Hawaii.
Pinangunahan din ni Gavan ang donning at oath-taking ceremony ng mga bagong na-promote na enlisted personnel sakay ng BRP Gabriela Silang.
Pinuri ng PCG chief ang propesyonalismo at dedikasyon ng mga tauhan sa pagrepresenta sa Pilipinas sa pinakamalaking multinational maritime exercise sa mundo.
Hinikayat din ni Gavan ang delegasyon na palakasin ang pakikipagtulungan sa mga kaalyado at katuwang na bansa para sa kapayapaan, seguridad at kaligtasang pandagat sa Indo-Pacific.