Eksakto alas-1:33 ng hapon nang makabalik ang PNP Coaster na sinasakyan ni Senador Rodante Marcoleta sa PNP General Hospital sa Camp Crame.
Ito ay matapos na sumailalim sa medical examination sa UP-Philippine General Hospital sa Maynila.
Nabatid na inatasan ng Sandiganbayan 3rd Division ang PNP na dalhin si si Marcoleta sa UP-PGH para masuri ang kanyang kondisyon.
Inatasan naman ng Sandiganbayan si Dr. Gerardo Legaspi ang direktor ng UP-PGH na magsumite ng report sa kanila sa July 15.
Matatandang sinabi ng PNP na maaari nang makalabas ng PNP General Hospital si Marcoleta at mailipat sa ibang pasilidad sakaling matapos ang kaniyang antibiotics para sa sakit na mild pneumonia. | ulat ni Diane Lear