Dapat linawagin ng Ministry of Foreign Affairs (MoFA) ng China ang mga naging pahayag ng ilang nagpakilalang Chinese scholars na nagsabing sakop ng teritoryo ng Taiwan ang Batanes.
Sa pulong-balitaan sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang pananahimik ng Chinese Communist Party sa usapin ay mangangahulugan ng pagsang-ayon nito.
Kung hindi aniya malilinaw ang usapin at hindi maitatama agad, kalauna’y magiging katotohanan na ito na tatanggapin ng marami at hindi na mabubura pa sa isip.
Ito, aniya, ang istratehiya ng China na maghasik ng paulit-ulit na kasinungalingan hanggang sa maging katotohanan na kung walang magtatama nito.